Klik… klik… klik… kamera sa harap… kamera sa likod… kaliwa’t kanang pagkuha ng kamera sa akin. A STAR IS BORN! Haay, Nakakapagod na… nakakapuyat pa!
“Ganyan talaga ang sikat!”, my Ate Kris told me when we were shooting our new movie with Regal Films for Mother Lily. Talaga raw ganoon ang sikat… mahirap sa simula… “sanayan lang…”, dugtong pa niya.
After ng shoot, my phone rang – it was my manager, Tito Boy. He was so excited to inform me about my newest commercial. Meron nga daw akong pictorial sa Southwoods mamaya. Sabi pa niya na wala na raw akong dadaling damit or extra clothing since Bench wanted me to wear their latest collection of sports wear for this million-dollar project. Si Boss Ben Chan pala ang may pakana ng lahat. He was very optimistic. Kakayanin ko raw ‘yon.
From Makati, we hurried on to Quezon City to renew my contract with ABS-CBN. Iilang buwan pa lamang akong nagtatrabaho sa kanila ay gusto na kaagad nilang papirmahin ako ng isang five-year contract for their station. Kaharap sina Ma’am Charo, Sir Gabby, Ma’am Malou at Mr. M ay pumirma ako ng kontratang nagkakahalaga ng P 9.5 milyon para sa buong limang taon. Kasama sa aking mga nakalinyang proyekto sa kanila ay mga pelikulang kasama ang ilan sa mga batikang aktor, aktres at direktor ng ating bansa ngayon, sina Tito Dolphy, Mayor V, Ate Shawie, Ms Maricel, Ate Ai-ai, Kuya Aga, Ms Gloria Romero, Claudine, Piolo, Judy Ann, Ms Kris, Direk Lauren Dyogi, Direk Joel Lamangan, Direk Chito Roňo, Direk Peque Gallaga, Direk Erik Matti, Direk Toto Natividad, Direk Olive Lamasan, Direk Laurice Guillen, at marami pang iba. Kasama rin ang dalawang recording albums para sa Star Records, mga shows tulad ng ASAP ’07, Pinoy Big Brother Season 2, at hosting job para sa isang bagong show ng ABS na malapit nang ilabas.
Pagkagaling ko ng ABS, dumiretso naman ako sa Eastwood, Libis for my snack. Doon ay maraming mga tagahanga ang lumapit sa akin para magpa-autograph. Maya-maya pa’y nakita ako nila Anne Curtis. Kasama niya sila Toni, John Lloyd, Iya, Sam at Nikki. Siyempre, kumustahan kami tungkol sa katatapos ko lamang na pagpirma ng kontrata. At hindi pa sila nakatiis at inaya pa akong gumimik. Mamayang gabi daw sa Rockwell at sa Embassy Bar near NBC Tent. Kaya, tinawagan kong kaagad si Tito Boy para alamin ang oras ng tapos ng pictorial namin sa Southwoods para sa Globe. Sa kabutihang palad, na-kansela ang dapat sana’y limang oras naming kodakan. At dahilan doo’y pumayag na akong sumama kina Anne para gumimik.
Dahilan sa wala na akong natitira pang gawain sa sched ko, minabuti kong magpunta sa Glorietta 4 para mamili ng mga damit at iba pang gamit. Subalit nang pasakay na ‘ko sa ‘king brand new Porsche, biglang nag-vibrate ang PDA ko… si Ms Judy Ann, nag-text! Narito ang kanyang text:
Ei, punta nman u hir
Klimanjaro… boitdey kc ni
ryan…, don’t worry! Family
& fwendz lng invite nmen.
Hope u can make 8! ǚ
After reading the message, tumawag ako sa kanya para sabihing makakarating ako subalit hindi ako magtatagal dahilan nga sa gimik namin nila Anne. At matapos kong makausap si Ms Judy Ann, tumungo na ako sa Kilimanjaro.
Isang bloke pa lamang ang layo ko sa bar ay tanaw na ang napakaraming sasakyang nakaparada sa parking lot. The traffic was damn horrible! Fortunately, nakalapit na rin ako sa bar after a couple of minutes pero hindi pa rin ako makahanap ng parking space. Buti na lang, kinawayan ako ni Ms Ruffa, papauwi na pala! Kasama niya si Yilmaz at bitbit naman nito si Venice. And thank God, I was able to park my car. At long last!
Before even entering the bar’s main door, natanaw kong marami pang paparating pa lang din. At least, may makakasabay akong pumasok sa loob. Nakita kong paparating si Diether, but he was alone. Hindi niya kasama si Kristine. Kasunod niya sina Marvin, Dominic, si Jodie na talaga namang blooming after giving birth at kasama pa ang kanyang mister na si Pampi. I also caught Direk Joel Lamangan sneaking in.
Pagpasok ko sa bar, napakaingay… maraming nagkukuwentuhan. Natanawan kong kaagad sina Judy Ann at Ryan na kinakausap ang big bosses namin. Nakita ko sa loob sina Gary V, Ms Zsa-zsa, Ms. Kuh, Martin Nievera, Regine, Jaya, Ogie, Janno, sina Kuya Ariel at Ate Gelli, si Ms. Pops, sina Tita Anabelle Rama together with Richard and Raymond, nakita ko rin si Ate Shawie na pumayat na kumpara noong huli ko siyang nakita, nandoroon din sina Rica, Mariel, Kin, Gerald, Bea, at press people katulad nila Ogie Diaz, Tita Cristy Fermin, Lolit Solis, Ricky Lo at marami pang iba.
Pagkapasok ko, umupo ako sa mesa nina Heart. Maya-maya pa’y dumating si Jericho, medyo may tama na. So, I went to the next table near the lounge. Afterwards, nagbigay ng special song numbers ang mga singers na nandoon, pati nga ako ay nauto. Hahaha! Buti na lang at handa ako… hehehehe. After ng song number ko, I joined the bunch over the counter na nagtatawanan. When I got there, I drank. Not away from us, I caught glance of Angel Locsin stripping on top of the bar. She was messed up, in fact, anyone who would see her stripping at that moment would definitely say that she is already drunk. The bar went pandemonium. Nagkagulo talaga nang todo-todo… hanggang…
Hanggang…
Hanggang…
Hanggang…
BLAG!!!
SEñORA GUADALUPE: “Magaling… magaling… magaling… Natutulog sa oras ng trabaho!? Madali ka at linisin mo yung kulungan ni Blackie! Ambisyosong katulong…”
No comments:
Post a Comment